Daryl Yap Nagpabitaw ng Banat: “Hinihintay ko pa ring sisihin si Duterte sa sunog sa DPWH!”

Madaling araw na raw pero gising pa rin si film director Daryl Yap, habang naghihintay umano ng pahayag mula sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang post, may halong sarkasmo ang mensahe ni Yap:

“Madaling araw na, pero hinihintay ko pa ring sabihin ng BBM admin na ang Computer na naging dahilan ng sunog sa DPWH ay binili noong panahon ni PRRD, kaya Duterte pa rin ang may kasalanan.”
Agad itong umani ng reaksiyon mula sa mga netizens, lalo na’t patuloy pa ring mainit ang usapin kaugnay ng sunog sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y naglamon sa ilang dokumentong may kaugnayan sa kontrobersyal na flood control projects.

Marami sa mga komento ang sumang-ayon sa banat ni Yap, na tila patama sa umano’y pag-iwas ng kasalukuyang administrasyon sa pananagutan, sa pamamagitan ng pagdawit pa rin sa nakaraang gobyerno sa mga isyu.

Si Daryl Yap ay kilalang film director at social media personality na madalas magbigay ng matapang na opinyon sa mga pambansang isyu. Kilala rin siya sa pagiging vocal supporter ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang mga satirical takes sa kasalukuyang mga isyu sa gobyerno.

Post a Comment

Previous Post Next Post