Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay muling nagpatibay ng paninindigan ng Pilipinas sa pagtatanggol sa West Philippine Sea, sa pamamagitan ng pagbili ng karagdagang mga barko at aircrafts para sa Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa Pangulo, mahalagang mapalakas ang kakayahan ng bansa sa pagbabantay sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas upang maprotektahan ang mga mangingisda, likas na yaman, at pambansang soberanya.
“Hindi tayo uurong sa pagtatanggol ng ating karagatan. Titiyakin natin na sapat ang ating kagamitan para sa seguridad ng bansa,” pahayag ni Marcos.
Dagdag pa ng Pangulo, nakatakdang makipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga kaalyadong bansa upang palakasin pa ang maritime defense at surveillance systems ng Pilipinas.
Tags
News and Events
